“Stop and Shoot” against child labor at St. Scholastica’s College

It is always an honor to be in the company of deans, professors and the academe — I get a feeling of being wise.

Then again It is also a privilege to be in the company of the youth — with young ladies like you, because you make me feel like I am young again.

Several times I have stopped counting my age.

First was when I was 24, since according to the UN, it’s the cutoff age for the youth, the core youth, aged 15 (which is the employable age in the Philippines, too) to 24.

Next time I tried to stop counting was when I was 30, because that’s how the Philippine Youth in Nation Building Act defined the youth — up to age 30.

Then next was at 35, because for the international trade union movement, where I belong, where the Federation of Free Workers (FFW) is a part of, 35 year-olds are still considered young workers.

But I can’t stop the clock forever and conceal my age. Prof. Wowie (of St. Scholastica’s College Department of Mass Communication) has revealed that we met in college. Go figure!

Kaya naman sa halip na tumigil sa pagbibilang, akin na lamang haharapin ang hamon ng pagiging hinog.

Sa edad 18 na lamang ako titigil. Sa UN at sa Pilipinas sa edad na ito tumitigil ang pagiging bata.

Nang mabatid ko ang plano ng mga kabataang kababaihang kulasa, na tanganan ang kanilang lente upang sipatin ang mga batang malaya sa ating pamayanan, ako po ay natuwa. Alam ko pong bihasa ang ating kabataan sa pagkuha ng mga larawan bunga na rin ng kanilang exposure sa gadgets. Kami po dati, mga de-rolyong camera lang ang gamit. Hanggang 35 shots lang yun. Swerte ang maka-bonus ka ng 3 additional shots, kung maayos ang pagkakalapat ng rolyo. Ngayon, you can take a hundred photos in a hundred seconds.

Samakatuwid at your age, mas marami na kayong karanasan sa paggamit ng midya ng larawan, paglalarawan at pangungusap sa pamamagitan ng imahe.

Tunay ngang akma ang “Stop and Shoot” para sa una ninyong karanasan sa pagtalakay sa child labor.

Kailangan ng pambansa at pandaigdigang kilusan laban sa child labor ang inyong pagkamalikhain, kasigasigan, sariwang ideya at bagong perspektiba at pananaw. At ito nga po ang aming naranasan, nang sa loob ng dalawang buwan ay naging bahagi ng aming pederasyon sina Innah, Chamy at Divs.  Lakas ng loob at dedikasyon ang puhunan ng mga kabataang ito sa paglulunsad ng patimpalak na ito.

Image

Sa mas malawak na konteksto, sa pamamagitan din ng lakas ng loob ginawang tampok ni Malala sa Pakistan ang edukasyon. Lakas ng loob din ang nagtulak kay Bonita Baran, isang child domestic worker sa Pilipinas, na biktima ng pang-aabuso, upang lumantad. Sila’y nakapiit sa mundo ng karahasan at pangamba, subalit nagawa nilang pangibabawan ito.

Ang mga mag-aaral tulad ninyo ay di hamak na may mas malayang kapaligiran kung ihahambing sa dalawa. Nakatutuwa na ninais ninyong lumabas sa ginhawa ng magandang pamantasang ito upang tumindig para sa karapatan ng bawat batang Pilipino na maging “batang malaya”.

Sana ay ipagpatuloy ninyo ito. Ang huling bilin ko na lamang po ay ating ipagpatuloy ang ating nasimulan sa pamamagitan ng pagiging aktibo ninyong kasapi ng CLKSS.

Check out the articles, materials, join discussions, produce materials and upload these to CLKSS. Pag-usapan ninyo ang child labor, karapatan ng mga bata at karapatan ng mga manggagawa sa kapwa ninyo Kulasa, kappa mag-aaral at sa mas malawak na lipunan.

Kung si Giov (Giovanni Soledad) ng ILO ay nagtalakay sa millennials bilang daan sa pagpapakahulugan sa henerasyong ito, hayaan naman ninyong magtapos ako sa paghahalintulad ko sa inyo sa minions.

Ang innocence ng minions ni Gru at nakakatuwa. Ang kanilang sipag sa paggawa at kasigasigan sa mga gawain ay kapuri-puri. Labas sa kanilang dilaw at maliit na anyo at kanilang naiipit na tinig, sila’y mga loyal na taga-sunod. Nawa’y maging kasing sipag at sigasig din ninyong lahat ang minions pagdating sa paglaban sa child labor. Manatili rin tayong loyal sa ating advocacy kahit pumalaot na tayo sa mundo ng paggawa. And now that you have stopped to shoot, don’t stop at this. Keep shooting!  Take the advocacy to a higher level.

Advertisements

1 thought on ““Stop and Shoot” against child labor at St. Scholastica’s College

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s